Miyerkules, Mayo 15, 2013

Luyang dilaw

Ang luyang dilaw o turmeric (Curcuma longa) ay halamang gamot na likas na tumutubo sa Timog-silangang Asya. Ito ay isang kulay kahel na rhizome na kaanak ng luya at ginagamit na tina, gamot, at sangkap sa pagluluto sa loob ng 4,000 taon. Napakarami ang mahuhusay na pakinabang nito sa pagpapagaling ng maraming karamdaman dahil sa taglay nitong curcuminoid polyphenol anti-oxidants. Ang nangunguna sa anti- oxidants ay ang curcumin at ito ang nagbibigay ng karamihan ng magagandang benepisyo para sa kalusugan.


Ang luyang dilaw ay ang pang-apat sa pinakamataas na halamang gamot na nagtataglay ng maraming anti-oxidants na mayroong ORAC score na 159,277. Ito ay nagtataglay ng mabisang kakayahan na makatulong sa pagsuplong ng oxidative stress at pamamaga na sanhi ngdegenerative diseases sa panahon ngayon.
Nakakatulong din ang luyang dilaw sa pagpapatibay at pagbalanse ng lebel ng asukal sa dugo at ng insulin resistant cell membranes sa pagpaparami ng insulin receptors at pagpapahusay ng pag-umpong nito sa insulin. Ito rin ay tumutulong sa atay na patigilin ang mga enzyme na naglalabas ng asukal sa dugo at pinabibilis ang mga enzymes na naglilikom ng asukal mula sa dugo. Napagalaman na ang circumin ay mabisa at epektibo sa pagpababa ng lebel ng asukal at triglyceride sa dugo kaya mainam ito para sa mga taong may diabetes.
Mabisa rin ang luyang dilaw sa pag-iwas at pagbibigay lunas sa Alzheimer's disease ayon sa mga pagsusuri. Ito ay nagtatanggal ng amyloid beta o plaque sa utak na sanhi ng nakakagimbal na sakit.


Marami pa ang nagagawa ng luyang dilaw sa ating katawan. Ito ay nakakapagpataas ng lebel ng natural na antioxidants laban sa kanser tulad ng superoxide dismutase, glutathione at catalase. Nakapagpapababa ng presyo ng dugo at nagpapatatag ng cardiovascular system. Nagpapababa ng pagkakataon magkaroon ng dementia, Alzheimer’s disease at Parkinson's disease pati na ang ibang sakit na neurodegenerative. Nagpapabilis ng paggaling ng mga sugat at paso sa balat dulot ng psoriasis, eczema, acne, hindi balanseng kulay ng balat, pamamaga sa gilid ng mata, bitak-bitak na sakong sa paa, at hindi makinis na balat. Ginagamit ito sa paglilinis ng dugo at atay.  Nakakapagpabilis ng pagpapayat at pagbaba ng timbang,  nakakatulong ito sa sinusitis o impeksyon ng sinus sa pamamagitan ng steam inhalation kasama ang pag-irrigate ng mga sinus.  Kapag hinalo sa cauliflower, mahusay ito sa pag-iwas sa prostate kancer at pagpigil sa pagsulong ng sakit na ito. Ang dilaw na luya ay natural na lunas sa kirot, pananakit at nakakatulong din ito sa paggamot ng arthritis.   Nagpapatigil ng paglaki at pagtubo ng mga ugat sa mga tumor.
Ang paggamit ng luyang dilaw ay hindi inirerekomenda sa mga buntis dahil ito ay maaring magpasigla ng matres. Hindi rin ito inirerekomenda sa mga taong may bato o may sakit sa gallbladder.

Sanggunian:


Mga Kagrupo sa Fil 21 (3:00-5:00 PM): 
  1. Magno, Pit Gerald
  2. Balleras, Kristel Marie
  3. Bantolo, Jeanelle
  4. Feo, Loryn
  5. Barena, Carlvi Mae
  6. David, Roxanne Mae





3 komento:

  1. Yup! you are right! this organic plant is really helpful in medication illnesses :) Sakit.info

    TumugonBurahin
  2. Borgata Hotel Casino & Spa - Dr.MD
    Borgata Hotel Casino & Spa (formerly Borgata Hotel Casino & 순천 출장샵 Spa) 당진 출장샵 is an MGM 포항 출장안마 Resorts Luxury Destination with 목포 출장마사지 5,750 rooms, an array of 울산광역 출장마사지 amenities

    TumugonBurahin
  3. The King Casino Company - Ventureberg
    It was born in 1934. The Company kadangpintar offers luxury hotels, If you don't have a poker room ventureberg.com/ in your house, then you'll find a ford fusion titanium poker wooricasinos.info room in goyangfc the

    TumugonBurahin